KASAYSAYAN/HISTORYA.
- Ang kasaysayan o historya ay nag papaliwanag o nag bibigay ng impormasyon tungkol sa mga nakaraan at mga sinaunang bagay. Kabilang sa kasyasayan ang kultura at pagkakalikha ng mundo, kabilang rin dito ang istorya tungkol sa mga bayani at pag hihirap o sakripisyo nito para sa bayan. Dito rin binibigyang pansin ang mga makakasaysayang pook, katulad ng luneta/rizal park at kung anu-ano pa.:)
PAMANA NOON,
Ating mga ninuno, sila ang pinagmulan at kadahilanan ng mga bagay, tradisyon, kaugalian, itsura at maging sa pag tatag ng ating bansa. Mahalaga na atin itong pag aralan upang malaman natin kung gaano kahalaga ang ginampanan ng ating mga ninuo sa kasalukuyan at para matutunan natin itong pahalagahan.
(isang pamana ng ating ninuno ay ang "Banawe Rice Terraces")
Kabilang din sa ating mga ninuno ay ang mga bayani, sila ang mga taong matatawag kong matapang, sapagkat nagawa nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa kaligtasan at kalayaan ng kanilang bayan. Marami ang bayani sa Pilipinas, kabilang dito sina Andress Bonifacio, Melchora Aquino at Apolinario Mabini, at ang atin namang pambansang bayani ay si Dr. Jose Rizal. Kung hindi dahil sa kanila ay baka nasakop na tayong tuluyan ng mga dayuhan.
DR. JOSE P. RIZAL