Huwebes, Marso 17, 2011

PAMANA NOON, HANGGANG NGAYON, YAMAN NG BUKAS


KASAYSAYAN/HISTORYA.




-  Ang kasaysayan o historya ay nag papaliwanag o nag bibigay ng impormasyon tungkol sa mga nakaraan at mga sinaunang bagay. Kabilang sa kasyasayan ang kultura at pagkakalikha ng mundo, kabilang rin dito ang istorya tungkol sa mga bayani at pag hihirap o sakripisyo nito para sa bayan. Dito rin binibigyang pansin ang mga makakasaysayang pook, katulad ng luneta/rizal park at kung anu-ano pa.:)
















PAMANA NOON,



               Ating mga ninuno, sila ang pinagmulan at kadahilanan ng mga bagay, tradisyon, kaugalian, itsura at maging sa pag tatag ng ating bansa. Mahalaga na atin itong pag aralan upang malaman natin kung gaano kahalaga ang ginampanan ng ating mga ninuo sa kasalukuyan at para matutunan natin itong pahalagahan.

(isang pamana ng ating ninuno ay ang "Banawe Rice Terraces")



        Kabilang din sa ating mga ninuno ay ang mga bayani, sila ang mga taong matatawag kong matapang, sapagkat nagawa nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa kaligtasan at kalayaan ng kanilang bayan. Marami ang bayani sa Pilipinas, kabilang dito sina Andress Bonifacio, Melchora Aquino at Apolinario Mabini, at ang atin namang pambansang bayani ay si Dr. Jose Rizal. Kung hindi dahil sa kanila ay baka nasakop na tayong tuluyan ng mga dayuhan.

DR. JOSE P. RIZAL





HANGGANG NGAYON,

           
                 Marami silang pamanang iniwan sa atin na hanggang ngayon ay pinapakinabangan na'tin at tumatak na sa puso ng bawat isa.
                Sa ngayon, tunay na patuloy ang pag-unlad ng panahon. Patunay na riyan ang mga makabagong teknolohiya, mga lengguwahe(jejemon) at kung anu'ano pa, na nagiging parte ng kasaysayan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakabuti ang mga makabagong imbensyon sa ngayon. Tulad ng ng mga sasakyan, factoy at kung anu-ano pa na nag dudulot ng pagnipis ng atmospera, at ng mga drugs, yosi, cellphone, internet na kung minasan ay inaabuso ng iba at ginagamit sa maling paraan.  Bakit nga ba ito kinalolokohan ng karamihan?
YAMAN NG BUKAS
                  Lahat ng mga nangyari ng nakaraan at sa kasalukuyan ay malamang na makaaapekto sa kinabukasan.



BILANG PAGLALAHAT:

               Tunay na mahalagang malaman natin ang nakaraan/kasaysayan, upang ating malaman ang hirap ng mga ninuno at kung ano nga ba ang ating pinagmulan, hindi yung basta ka na lamang na buhay e ayos na. Kung maibabalik lang natin ang kahapon, e siguro ay malalaman mong wala pa tayo sa kalingkingan kung ano ang napag tagumpayan nila. Marahil ay napakalayo na nga naman ng ating narating, tayo ngayon ay nasa modernong panahon na, na siyang tumutulong na mapabilis at mapadali ang gawain sa araw-araw.
            Ang kasaysayan ay nag nanais na ipabatid sa atin ang PAMANA, o ang pangyayari noong unang panahon na siyang sanhi kung anong may'roon ngayon.
          Bilang pag lalahat, nais ipaalam sa'tin ang kasaysayan upang atin itong PAHALAGAHAN, at huwag itong kalilimutan. Mahalaga ring ipalaganap o ibahagi sa karamihan ang tungkol dito.
         Mahalagang malaman natin ang pamana noon, upang lumawak ang ating kaalaman sa kasaysayan na siyang magbibigay ng lakas ng loob at kaalaman upang ipagtanggol rin natin ang ating bayan at mapayaman pa ang kaalaman ng bawat isa.



**WAKAS***

1 komento: